WEBVTT
Kind: captions
Language: fil

00:00:16.680 --> 00:00:22.480
Ngayon, ang mga kompyuter ay nakapaligid sa'tin. Simula sa desktop na mga kompyuter hanggang sa mga smartphone, silaý nagbabago

00:00:22.480 --> 00:00:28.910
kung paano tayo namumuhay. Pero, na tanong mo na ba ang iyong sarili, Äno ba talaga ang isang Kompyuter?"

00:00:28.910 --> 00:00:35.590
Ang kompyuter ay isang elektronikong debays na nagmamanipula ng mga impormasyon, o "datos"

00:00:35.590 --> 00:00:42.430
datos kagaya ng 1's at 0's, pero alam nito kung paano pagsamahin hanggang sa mas komplikadong bagay kagaya ng larawan,

00:00:42.430 --> 00:00:51.300
pelikula, websayt, laro, at marami pang iba. Ang mga kompyuter ay isang kombinasyon ng hardware at

00:00:51.300 --> 00:00:56.930
software. Ang hardware ay kahit anong pisikal na parte ng isang kompyuter, na kinabibilangan ng lahat sa loob ng

00:00:56.930 --> 00:01:03.530
komponent at labas na parte din kagaya ng monitor at keyboard. Ang software ay

00:01:03.530 --> 00:01:09.360
kahit anong hanay ng panuto na nagsasabi sa hardware kung ano ang gagawin, katulad ng web browser, media player

00:01:09.360 --> 00:01:14.619
o word processor. Kapag karamihan sa mga tao ay nagsasabi ng "kompyuter", ang tinutukoy nila ay

00:01:14.619 --> 00:01:20.520
tungkol sa personal na kompyuter. Itoý maaring isang desktop kompyuter, o isang laptop kompyuter kung saan merong

00:01:20.520 --> 00:01:25.090
parehong kapabilidad ngunit sa isang mas madaling paghawak at pagbitbit.

00:01:25.090 --> 00:01:32.090
Ang mga Personal na Kompyuter ay may dalawang pangunahing istilo: PC at Mac. Ang mga PC ay ang mga pinakakaraniwang uri.

00:01:32.390 --> 00:01:36.130
Maraming mga iba ibang kompanya ang gumagawa sa kanila, at silaý karaniwang dumadating kasama ang operating system ng Microsoft

00:01:36.130 --> 00:01:43.090
Windows. Macs, o Macintosh na kompyuter, lahat ay ginagawa ng isang kompanya- ang Apple

00:01:43.090 --> 00:01:48.570
-at silaý dumadating kasama ang operating system ng Mac OS X

00:01:48.570 --> 00:01:54.040
Ang mga compyuter ay karaniwang may iba't ibang mga hugis at laki. mga mobile phone, mga tablet at mga game consoles, at

00:01:54.040 --> 00:01:58.619
kahit na mga telebisyon ay meron ng built-in na mga kompyuter, pero kahit na hindi nila nagagawa ang lahat, ang desktop o

00:01:58.619 --> 00:02:02.740
ang isang laptop ay pwede. Merong isang uri ng kompyuter na gumaganap

00:02:02.740 --> 00:02:08.700
ng isang mahalagang papel sa ating buhay: tagasilbi (servers). Ang server ay nagsisilbing impormasyon sa ibang kompyuter

00:02:08.700 --> 00:02:13.910
sa isang network. Sa katunayan, sa bawat oras na gumagamit ka ng internet, ang mga web servers ay inihahatid ang web

00:02:13.910 --> 00:02:19.950
pages na gusto mong makita sa iyong kompyuter. Ang mga server ay ginagamit din sa lahat ng mga opisina para mag-imbak

00:02:19.950 --> 00:02:24.720
at magbahagi ng mga Files. Tulad ng nakikita mo, Merong mga iba't ibang uri

00:02:24.720 --> 00:02:28.960
ng kompyuter dyan sa paligid, at nakakaapekto sila sa ating buhay sa iba't ibang uri at aspeto.

